Pagdalumat sa Piling Sugboanong Balak Tungo sa Pagbuo ng Modelong S3 L2 sa Pagtuturo ng Panulaan

Authors

  • Arnel T. Noval Cebu Technological University

Keywords:

Pagdalumat, Sugboanong Balak, Modelo, Pagtuturo, Panulaan

Abstract

Nilayon ng pag-aaral na madalumat ang mga pagpapahalaga at kulturang nakapaloob sa piling Sugboanong balak tungo sa pagbuo ng modelong S3L2 sa pagtuturo ng panulaan. Ang desinyong ginamit ng pag-aaral ay quali-quanti na pananaliksik. Pagkatapos ng isinagawang pagdalumat, ipinabalideyt ito gamit ang W-concordance upang tayain ang digri ng pagkakasundo ng mga balideytor sa ginawang pagdalumat sa mga balak. Ipinalulutang sa mga piling Sugboanong balak ang mga pagpapahalagang pagpapakatotoo sa sarili, pagasa, pagmamahal at paggalang sa kababaihan, pagtutulungan, pagiging optimistiko, at pananalig sa pangarap. Natuklasan din ang kulturang mahilig ang mga Sugboanon sa pag-aayos at paggamit ng
pampaganda, matatag na paniniwala sa Panginoon, pagpapahalaga sa kababaihan, pagkamapaniwalain sa alamat, paghaharana
sa panliligaw, at pagpupunyagi. Mula sa mga natuklasan, naisakongklusyon na ang piling Sugboanong balak ay hulwaran ng
natatanging pagpapahalaga at mayamang kultura na sumasalamin sa kaakohan ng mga Sugboanon. Ang modelong S3L2 (Salok, Sipat, Suri, Lapat, at Lasap) estratehiya sa pagtuturo ng panulaan ay nabuo alinsunod sa masigasig na pagdalumat sa piling Sugboanong balak na makatutulong sa pagpapalaganap, pagtangkilik at preserbasyon ng kultura at pagpapahalagang Sugboanon

Downloads

Published

2022-10-04

How to Cite

Noval, A. T. (2022). Pagdalumat sa Piling Sugboanong Balak Tungo sa Pagbuo ng Modelong S3 L2 sa Pagtuturo ng Panulaan. Silliman Journal, 63(1). Retrieved from http://sillimanjournal.su.edu.ph/index.php/sj/article/view/3