Pormatibong Ebalwasyon na Pagaaral sa #Sulat v. 2:0: Worksyap sa Pagsulat ng Diona
Keywords:
oryentasyong panlipunan, pormatibong ebalwasyon ng pag-aaral, DionaAbstract
Ang papel na ito ay isang pormatibong ebalwasyon na pag-aaral para sa oryentasyong panlipunan na programa ng Departamento ng Filipino at mga Wikang Banyaga ng Unibersidad ng Silliman na tinawag, “#Sulat v. 2.0: Worksyap sa Pagsulat ng Diona” katuwang ang kanilang kasosyo na komunidad, ang Little Children of the Philippines, Inc. (LCP), sa siyudad ng Dumaguete. Ang layunin ng programa ay mapalaganap at maisabuhay ang isa sa mga katutubong anyo ng panitikan ng ating bansa, ang Diona. Ang programang ito ay kasisimula pa lamang kayat isang pormatibong pag-aaral ay nararapat gawin. Ito ay nagtitiyak na ang proyekto ay kayang gawin, angkop at katanggap-tanggap bago ito ipatutupad nang buo.
Ang mga kalahok ay mga sponsored na mga junior hayskul na magaaral sa LCP. Sila ay sumagot sa ebalwasyong papel upang malaman ang kanilang mga impresyon at mga aral na natutunan. Ito ang naging batayan sa pag-aaral na ito. Para sa lugar na pinagdausan at mga kagamitang ginamit, ito ay nakakuha ng marka na nakamit ang inaasahan at ang
marka naman sa paksa at mga natutunan mula sa worksyap ay lampas pa sa inaasahan. Ang mga komento at suhestiyon mula sa mga kalahok sa mga gawain at mga natutuhan ay positibo halos lahat. Ang kanilang kasanayan sa pagsulat ay nahasa, nakapulot ng mga mahahalagang aral sa buhay at napahalagahan ang ating sariling panitikan gamit ang ating pambansang wika.
Ang programang ito ay dapat ipagpatuloy, at higit pa na ebalwasyon ay kailangan para pagtibayin pa ang sistema ng programa, pag-uulat ng pag-unlad, masubaybayan at masuri ang mga estratehiya sa programa, at pagsasangkot sa mga tagapagpatupad ng proyekto. Ang mga iba-ibang uri ng ebalwasyon ay dapat isagawa tulad ng proseso ng pagpapatupad, kinalabasan/ pagiging epektibo, at impak ng programa.