Mga Nararanasan ng mga Mag-aaral sa Pagkatuto ng Filipino Gamit ang Modyular na Dulog sa Pagtuturo: Batayan sa Paglahad ng Rekomendasyon

Authors

  • Kendrick M. Kitane Siaton National High School

Keywords:

Modyular na dulog, Lawak ng nararanasan sa paggamit ng modyul

Abstract

Ang pag-aaral ay hinggil sa iba’t ibang naranasan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino gamit ang modyular na dulog sa panahon ng new normal dulot ng CoViD-19. Ito ay isinagawa sa Siaton National High School. Ang mga respondente ay binubuo ng 313 mga (babae at lalaki) mag-aaral mula Ika-8 hanggang Ika-11 Baitang. Sarbey-kwestyoneyr ang pangunahing instrumentong ginamit ng mananaliksik. Sa pagpakahulugan ng mga nakuhang datos, ginamit ang estadistikang weighted mean, mean at spearman’s rank-order correlation. Mula sa pananaliksik, napatunayan ang mga sumusunod: Malawak ang nararanasan sa mga sumusunod na aspekto: pag-unawa sa nilalaman, kalinawan ng mga panuto, wika, biswal na ilustrasyon at grapiks, tulong mula sa mga guro, at ang aksisibiliti sa pagkakaroon at pagkuha ng modyul; bahagyang mababa naman sa aspektong: tulong mula sa mga magulang o ibang miyembro ng pamilya at sa mga gawain na napapaloob sa modyul. Ang kabuoang performans
ng mga mag-aaral ay natatangi. Sa kabuoan, napatunayan na may signifikant at inverse na kaugnayan sa pagitan ng lawak na naranasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng modyular na dulog sa mga aspektong tulong mula sa kanilang mga magulang at miyembro ng pamilya, lawak ng mga gawaing napapaloob sa modyul at ang kanilang performans sa Filipino

Downloads

Published

2022-10-04

How to Cite

Kitane, K. M. (2022). Mga Nararanasan ng mga Mag-aaral sa Pagkatuto ng Filipino Gamit ang Modyular na Dulog sa Pagtuturo: Batayan sa Paglahad ng Rekomendasyon. Silliman Journal, 63(1). Retrieved from https://sillimanjournal.su.edu.ph/index.php/sj/article/view/4