Salin-dilang Pamana: Mga Pagpapahalaga at Kulturang Mamamalas sa Piling Kuwentong-Bayan sa Isla ng Olango

Authors

  • Arnel T. Noval Cebu Technological University-Main Campus
  • Floran A. Taneo Lapu-Lapu City College
  • Gwendolyn Inoc Lapu-Lapu City College
  • Abedigo A. Gaylan Lapu-Lapu City College

Keywords:

salin-dila, pamana, kuwentong-bayan, pagpapahalaga, kultura, Olango

Abstract

Nilalayon ng pag-aaral na maisalin at masuri ang kultura at pagpapahalaga ng piling kuwentong-bayang nakalap upang makabuo ng isang antolohiya ng mga lokal na kuwentong-bayan sa Isla ng Olango. Deskriptibong pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam upang makalikom ng mga kinakailangang datos. Matapos ang ginawang pagsusuri, natuklasan na ang pagpapahalagang nakapaloob sa mga ito ay pagmamahal sa kaibigan at sa kalikasan, pananampalataya sa Maykapal, pagiging masunurin, at pagtutulungan.  Lutang na lutang naman sa sampung akda ang kulturang may temang matatag na paniniwala sa kanilang mahal na Patron, katapangan sa pagsuong sa anomang hamon ng buhay, paniniwala hinggil sa mga nilalang na hindi nakikita at mga masasamang espiritu, pagiging matulungin sa kapwa, matibay na paniniwala sa mahal na Patron bilang tagapagtanggol, tagapagpanatili ng kaayusan at tagapaglunas ng mga karamdaman, pagkahilig sa pag-inom ng tuba, pagprosisyon sa mahal na Patron sa dagat, at pagiging palakaibigan ng mga taga-Olango. Batay sa natuklasan, naisakongklusyon na ang mga kuwentong-bayan sa Isla ng Olango ay hitik sa pagpapahalaga at natatanging kulturang Cebuano. Ang mga kuwentong-bayan ay nararapat maidokumento at maisalin upang makabuo ng isang materyal na magagamit sa pagtuturo ng panitikang lokal sa pamamaraang lokalisado at kontekstuwalisado.

 

Downloads

Published

2024-02-27

How to Cite

Noval, A. T., Taneo, F. A. ., Inoc, G., & Gaylan, A. A. (2024). Salin-dilang Pamana: Mga Pagpapahalaga at Kulturang Mamamalas sa Piling Kuwentong-Bayan sa Isla ng Olango. Silliman Journal, 64(2). Retrieved from https://sillimanjournal.su.edu.ph/index.php/sj/article/view/444