“High blood ka na naman!”: Pagdalumat sa Salitang Altapresyon Batay sa Kontekstong Pilipino

Authors

  • Cheyene Franchesca M. Go University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Francis Roy S. Gonzales University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Millena Maia T. Gonzales University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Sweetheart Angela C. Gonzales University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Mari Anne Estefani G. Guerra University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Joyce Anne Marie F. Guerrero University of Santo Tomas – College of Nursing
  • J-Ross E. Guillermo University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Nelsie Faith M. Gumapos University of Santo Tomas – College of Nursing
  • Ian Mark P. Nibalvos Samar State University – Paranas Campus

Keywords:

Narsing, Hayblad, Paniniwala, Gawain, Pagunawa

Abstract

Ang altapresyon ang itinuturing na pangunahing sanhi ng maagang pagkamatay sa buong mundo. Ang sintomas ng
pagkakaroon nito ay ang labis na pagtaas ng presyon ng dugo na nakasasama sa mga ugat at puso ng tao. Mahalaga na may kaalamang pangkalusugan ang mga Pilipino sa kung paano ito nakaaapekto sa kanilang karamdaman, pag-uugali, pagdedesisyon, at paggamot. Layunin ng pananaliksik na ito ang pagdalumat sa salitang ‘altapresyon’ bilang isang mahalagang salita sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, lalo na sa larangan ng Narsing. Nakatuon ang pagaaral sa pabibigay-linaw sa mga paniniwala ng mga Pilipino at ang kahalagahan ng regular na pag-inom ng gamot at pagpapakonsulta sa mga healthcare professional. Ang kalitatibong pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga nakalap at sinuring sanggunian katulad
ng tekstong akademiko at tekstong popular upang palawakin ang diskusyon ukol sa altapresyon. Ito ay hinahati sa apat na aspekto: istandard na kahulugan, etimolohiya, kahulugang batay sa komunidad pangwika, at kahulugang simbolikal. Hinahangad ng mga mananaliksik na palawakin at palalimin ang salitang ‘altapresyon’ batay sa kontekstong Pilipino at maiugnay din sa mga unibersal na karanasan sa konsepto. Ayon sa mga naitalang sanggunian, madalas na ginagamit ang altapresyon sa larangan ng Medisina at Sosyolohiya at nakadepende rin ito sa kung paano ito ginagamit. Malawak ang pagpapakahulugan ng mga Pilipino sa salitang ‘altapresyon’ at iba-iba rin ang gamit nito batay sa paksa ng diskurso. Bagama’t limitado ang pag-aaral sa mga literatura, ang pagdalumat ng salitang ‘altapresyon’ ay maaaring maibahagi upang makabuo pa ng mga pananaliksik na may mas malawak na saklaw gaya ng pakikipanayam sa mga taong nakaranas ng sakit na ito sa isang lugar o komunidad. Higit na inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mas malawak na diskusyon ukol sa mga interbensiyon ng mga nars sa pangangalaga ng mga taong may altapresyon.

Downloads

Published

2023-03-27

How to Cite

Go, C. F. M., Gonzales, F. R. S., Gonzales, M. M. T., Gonzales, S. A. C., Guerra, M. A. E. G., Guerrero, J. A. M. F., Guillermo, J.-R. E., Gumapos, N. F. M. ., & Nibalvos, I. M. P. (2023). “High blood ka na naman!”: Pagdalumat sa Salitang Altapresyon Batay sa Kontekstong Pilipino. Silliman Journal, 63(2). Retrieved from https://sillimanjournal.su.edu.ph/index.php/sj/article/view/360